Isang Killjoy Turret bug sa final round ng match ng XSET at FunPlus Phoenix sa Valorant Champions 2022 ay nag-pwersa ng isang replay ng round. Naipanalo ng North American squad ang round para mapunta sa isang intense na tatlong rounds ng overtime.  

Nakuha muli ng FPX ang kanilang panalo sa isang 16-14 win, ngunit halatang pagod ang dalawang teams matapos ang sagutan na nangyari. Mataas din ang tensiyon matapos ang desisyon ng Riot Games na ipa-walang-bisa ang panalo ng FPX noong unang beses at I-replay ang round, at dahil dito naglabas ng sama ng loob ang iilang FPX players sa Twitter.  

“Not demons just losers,” sinabi ni Dmitry “SUYGETSU” Ilyushin. 

Dahil sa isang Killjoy Turret bug, kinailangan I-replay ang game-winning round ng FPX laban ang XSET 

Valorant Killjoy Turret bug XSET Replay VCT 2022